FAQs sa aking first ever relationship at break up na inantay ko ng pagkatagal tagal..

7024859-lonely-girl-bus

LOL ang haba ng title.hahaha.

Mace: Wala naman pala ‘yun sa tagal ng relasyon. Kung hindi ka na nya mahal, hindi ka na nya mahal.

Well, MG’s para sa inyo ito.. Napa-blog pa talaga ako para mas mahaba masabi ko. Umpisa pa lang gusto ko na magpasalamat. Hindi ko maramdaman na loveless ako dahil sa pagmamahal nyo. Ayieh ❤ sorry sa mga hindi ko nirereplyan na PM nyo sakin.. I gathered all the questions kasi, para isang bagsakan nalang. Haha. Ansaket din kasi paulit ulit sabhin parang paulit ulit na inooperahan ang puso ko (OA na to!haha). Pero aside from that, gusto ko din sana makausap si Kenneth. Ayoko maging one sided tong storya namin (though alam ko naman na mgging one sided parin.hahahah). For future reference din kasi to dba? Baka maranasan nyo din(wag naman), ng kapitbahay nyo nlang. Hahaha or mas maganda, para mprevent nalang na mangyari, coz we are all in this crazy true love hunting game. J

  1. Historical Background

Yung konting BG muna about samin. Where did you meet? YSA Con. Nov 2012 How long ka nya niligawan? Hindi ko alam girls. Haha since ng magkakilala kame txt and call kami always. Tapos Feb 4 2013 Sinagot ko sia. I don’t exactly know kelan sia nagstart ng ligaw. Para naman kasi sakin, ligaw ay forever kea di ko pnatagal. (tyka pde ba ang cute nya!hahaha) Gaano kayo tumagal bago sia umalis? July 2013 Sia umalis. So 5 months. Everyweek kami halos nagkikita. Since malayo sia samin, mga 1-3 days kami magkasama. Either ako sa kanila or sia samin magsstay. Mas madalas sia samin. Age: Same kaming 21 ngaun. 2 months lang pagitan namin Any plans before he went on his mission? TM syempre! Oo, noon buong tapang namin na sinasabi yan “papakasal kami agad”.. nakakaiyak naman toooohhhh! Naalala ko kasi bigla yung minsan nanalo kamisa dance social na couple of the night. Kwintas na tigbente yung price pero kung itago ko daig pa mga pearls ni emelda marcos. Hahahaha. By the way, nasa unahan kami nun and while the crowd cheers for us, he shouts sa mga kaward nya “Guys! Papakasalan ko to!” sabay bulong sakin habang sinusuot ung kwintas “Baby, pag uwi ko papakasalan na talaga kita.” Ako, ayun blush blush lang. hahaha Madami pa kaming ganyang moments.. Alam ng parents nyo ung plans nyo? Yes of course. Payag na sila. Nagkausap na parents to parents. He even wrote a letter to his dad before he left na “tay, papakasalan ko na tlga si Elijah pag uwi ko”. Willing ung parents nya to support his studies even after we got married.

  1. During his mission

Nainlove ka ba sa iba? Yes. Makailang ulit. Nafall in and out of love na nga ako sa ibat ibang tao eh. Pero hanggang tamang dedicate lang ng “bakit ngayon ka lang” song lang un. hahaha. That’s the art of commitment eh dba. Hindi dapat basta lang nkarely sa feelings. Tyka, hndi ko talaga mabitawan si ken kasi nga, BF ko sia.  (ang haba ng statement ko dito. Hahaha. Gawa nalang ako ng ibang blog for this) Nakipaghiwalay ka sa kanya during mish? For the record, once nakipaghiwalay na din tlga ako sa kanya bago sia umuwi. Natakot kasi ako. I saw clues na dito din hahantong to. Haaay. Hindi ako nagkamali dba? Nung time na un hindi sya pumayag. Communication? Email lang. as in! habang tumatagal, pakonti ng pakonti pa email nya. Haha Hindi kau nagsusulatan? Ako sumusulat. Siya, once lang. (napakanta pa ako nun ng For the first time in forever.. lol) Anong ginagawa mo to strengthen your relationship? Family nya. Aun, sobrang palagi ako sa family nya. Love ko sila at love nila ako. Yan naman ang maipagmamalaki ko samin, wala akong nakikitang problema samin ng pamilya nya. Sobrang mahal ko silang lahat. May time pa nga na dun na daw ako tumira since malapit ung work ko sa bahay nila.

  • Pag dating nya.

Siempre sumundo ang lola mo, nagleave pa sa work. Nagpadigiperm pa sa galit! Haha bakit ba? Eh for two years of my life, gabi gabi ko iniimagine gaano ako kaganda sa araw na ito, tapos magssimplicity is beauty ako? No way! Pero joke lang un. Simpleng effort lang naman itsura ko. Hindi nga ako ng 5inches heels. So simple un! hahaha. Kasama ko family nya siempre at bff ko para may mapipisil ako pag pinipigilan ko ang sarili ko na mayakap sia.haha. Generally, nung day na dumating sia, ang saya saya sobra. Sobra sobra sobra! May mga pics kami na di ko lang inupload. Isshare ko sa inyo para mabroken din kayo lalo. Joke lang girls. Yeah, mapapa sigh lang kau ng malalim. Haha PERO BAKIT KA NAKIPAGBREAK? Meron akong few main reasons pero alam kong madami pang ibang rason na hndi ko na maalala pero alam yun ng  puso ko. By the way, heres the few:

  • #MababawnaRason – Hindi sia nagtxt within 24 hours. Maarte na kung maarte! Brutal na kung brutal! Sabi nya two years ko daw siang inintay at within 24 hours lang daw hindi ako nakapagintay? Well ang masasagot ko lang jan ay isang malaking OO! Guys, bawal ba magtxt? Ganun ba kahirap yun? Gabi na kami nakauwi after naming siang sunduin, ni hindi man lang ba nya naisip kung buhay pa ba ko. Kinabukasan na release sia, hindi man lang ba sia excited sabhn sakin. Oo, naintndhan ko yung me-time, family-time at adjustment time, pero hndi naman siguro kabawasan sa buong pagkatao mo yung magtxt lang na hindi sia makakatxt ah.
  • #MedyoUmasaAko- Nag aya kasi sia ng temple nung kinafridayan. Only to find out na hndi na daw tuloy yon dahil inaya sia ng family friend nila. Ansaya. Mas gusto pa niya sila makasama kesa sa gerlpren nya na eengot engot din na antay ng antay sa kanya. Haha sorry naman ang bitter ko dito. Sino bang hindi! Pwede naman nya ako isama dun ah! At hindi ba naturo sa mission na pag may commitment ka na sa first appointment, wag na mag sset ng bago. Especially kung equal importance naman sila. Unless nlang mas importante yung “family friend “ nila. At, ayaw nya tlga ako makasama.
  • #ILoveYouLangNaman- Aminin natin girls, sabihan lang tayo minsan ng mga mahal natin ng “ILOVEYOU”, solve na diba? Hindi sa nagpapabebe ako, pero ganun talaga. Thursday ako tumawag para makipagbreak 15mins lang yun. Text2x kami for 2 hours. Then, another 15 mins call ng Friday night. Never nyang nabanggit na mahal nya ako. Ako pa nga nagsabing mahal ko sia. Hindi man lang sumukli. Hahaha So, obviously speaking.. hindi nya na ko mahal. Hindi lang masabi ng direkta.
  • #Etotalagayun- Ayaw nya magbago. Nung nagkatext kami nagkaroon kami ng konting discussion. Syempre sinabi ko mga hinaing ko. Sabi ba naman sakin, KUNG MAHAL MO AKO DAPAT  TANGGAPIN MO KUNG SINO AKO. Naniniwala ako jan. Pero, talaga bang ganyan na yan sa lahat ng sitwasyon? So, pag may weakness yung partner mo, yaan mo nalang? Kase mahal mo eh. Hahaha FALSE DOCTRINE YAN. We are are designed to progress and to improve. So dapat once na may nakikita kang weakness, itry mo or atleast ipakita mo na ittry mo iimprove. Yan ang problema namin. Yes ken is humble enough to say na may pagkukulang sia sakin pero ayaw nya tlga magbago. Never nyang sinabi na iwwork out namin yang mga problem namin.

Girls, I just cant live life with someone na ganto yung attitude. I love him a lot. Pero hindi madali ang buhay para sakin. Ayoko magdrama pero sadyang madrama ang buhay ko. Madami na akong dala dalang problema, kea gusto ko sana ng partner na PARTNER TALAGA. Companion eh dba, katuwang. Hindi yung mas mahihirapan pa ako. Hindi ko maisip ang eternity with someone na parang half-sure lang sa akin. Mahal ko pa sia ngaun oo. Pero kapag nararamdaman mong hindi ka na mahal ng taong mahal mo dadting yung point na mapapagod ka din. Yung antayin sya ng two years dahil sa mission kayang kaya ko. Kahit siguro 4 years pa yan. Pero yung antayin sya na mahalin ako ng buo, hindi ko na kaya. Sagad na yung 2 years and 5 months ko. Pumayag sya sa break up nyo? Una hindi .pero hindi na sya nagreply ulit eh. 5 days na  ngayon. Ahahhaa Tapos gumawa sia ng new FB, walang kahit anong picture namin. Nagsend ako ng pics nung dumating sia, niLIKE lang. haha so ano, kami pa ba? Eh, Nasaan na si Kenneth ngayun? Tanong ko din yan girls. Kung tutuosin ilang kilometro lang ang layo naming sa isat isa. 15-20mins na byahe lang nandun ka na. Walang dagat sa pagitan, hindi na kelangan mag eroplano. Papara ka lang ng jeep, magssoundtrip at nandun ka na. Pero sa totoo lang, pakiramdam ko nasa ibang planeta sya. Mas possible pang makakita ako ng bulalakaw kesa Makita sia. Minsan gusto ko ng sumugod don eh. Bakit di ko ginawa? Yan na lang yung tanging di ko pa ginagawa at para naman may matira pa akong pagmamahal sa sarili. Anong nararamdaman mo ngayon? Hindi ko alam. May mga times na okey na okey naman ako parang walang nangyari. Sabi nga ng katabi ko sa opis, “tutal nasanay ka na rin naman na wala sia so parang wala rin gaano pagmmove-on nan”. Urghh! That hurts! Pero may point sia. Pero hndi girls eh. Minsan naglalakad nalang ako pauwe naiisip ko, parang last week lang habang naglalakad ako dito parang akong baliw na ngingiti ngiti mag isa kse alam kong padating na sia. Di ko maitago excitement kahit naglalakad. Minsan naman nasasabi ko sa sarili ko pag halos gumapang na ako pauwe sa pagod, “don’t worry Elijah, pag dating nya, dalawa na kayong maglalakad dito. Kayanin mo muna ngayon”. Hay. Tapos ngayon, eto tapos na yung pagdating nya, mag isa pa din ako. **insert lonely instrumentals** Iba kasi sitwasyon natin girls eh, matagal man na wala tayong memories with them together, ang pag mmove onan mo eh yong memories mo mag isa na ineemagine na kasama sia. (ansakeeeeeeeeeet!) Pag nakipag usap sia at nakipagbalikan, babalikan mo? Hindi ko din alam girls. Ayoko magsalita ng tapos. Siempre lahat tayo gusto happy ending. Lalo ako! Nung bata nga ako pag nakakapanuod ako ng movie na sad ending or hindi nagkatuluyan ang gusto kong karakter, dinudugtungan ko ang story. Tipong, pinapatay ko ung ibang nakatuluyan nya or nagkita sila sa next life tapos sila pa din pala (false doctrine lang.haha). Pag naaalter ko yung dulo ang saya ko kasi nagawan ko ng paraan na magkatuluyan sila. Pero looking back, narealize ko na mali un eh kasi some stories really should end that way. Besides, hindi lahat sa ending nakasalalay ang kagandahan ng story, sometimes its the little bits and pieces. In our story, hanging man ang ending at hindi man pang blockbuster hit (dahil low budget.haha), hakot natin ang individual awards! Hahaha ako best actress! At sure na sure na nasakin ang mga best supporting actresess! Dahil kayo un! J Alam kong ung iba sa inyo mas umiyak pa kesa sakin. Yung besprens ko nga dinaig pa si Princess Punzalan at Gladys Reyes sa pagmamataray kapag nagkkwnto ako. Hahaha. In short, Masaya ako, kasi hndi man nasuklian ni Ken ung pagmamahal na inaasam ko, nandyan kayo , ang Family ko at si Heavenly Father. SOBRA SOBRANG PAGMAMAHAL UNG PINALIT NYO. Ive felt the enabling power of the Atonement to mend my broken heart. It is real J

And, at the end of the day sabi nga ni Popoy, Kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi may paparating pa, yung magmamahal sa’tin at magpaparealize sa’tin kung bakit naging mali yung dati. Paparealize rin satin kung pa’no tyo dapat mahalin. Eto pa, galing naman kay Mace at Anthony.. 7

Unuploaded shots pala namin. Yung nametag ko jan Sister Suarez nakalagay. Pinagawa nya yan para sakin. hahaha dati .. IMG_5891B612-2015-07-15-14-50-24_1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s